Saturday, April 9, 2011

Maling Akala

mundo ko’y nag iba simula ng dumating ka
paligid ay sumaya ng ikaw’y makasam
lumiwanag ang buhay at naging makulay
bawat araw sumasaya na para bang di na matatapos pa.


nang ika’y lumisan pusoy nasaktan
nang ika’y lumayo puso’y nabigo
umalis ka na di man lumingon
lahat kinalimutan at di na binalikan

ako’y nag isa at naging malungkot
sumimangot ang muka daig pang maasim na suka
tawa’t saya ay nawala, at di na makita.
sa pagkawala mo ako ay naging EMO.


di na umasa na ikay bumalik pa
di na umasa na ako’y maalala
sa pagkat ako’y naging masaya na
at natutong humanap ng iba


pag asa’y ma’y di makita
na makahanap ng hihigit pa sayo
pero puso’y mag hihintay
kahit pa sa habang buhay

Salamat nalang sa mga ala-ala
na iyong iniwan sa pusong luhaan
ito’y di lilimutin kailan pa man
pag ibig na minsay inakalang magtatagal magpakailan man.

0 comments:

Post a Comment

Please post only relevant comments and use name/url in posting.

Thank you