Saturday, March 5, 2011

Love mo pa rin naman 'sya. :)

Love mo pa rin naman 'sya. J

World War I:
Bakit nga ba tayo nagagalit sa isang tao??!! Kasi mali sya? kasi di mo trip ginagawa nya? Kasi gusto mo lang? Kasi ayaw mo talaga sa kanya?? Oh baka naman kasi kagaya kita na nag gagalit galitan kasi takot ka na makita kung ano talaga ang nasa isip mo at puso mo, takot ka na masabi na weak ka. hahaha,,, Ikaw minsan ganon ka din ba? Naisip mo ba na yung tao na kinaiinisan mo, sya pa minsan yung tao na madalas mo hinahanap at taong gusto mo maka-usap tapus pag naka usap mo naman naiinis ka, napapansin mo ba na ang ngiti mo,eh, iba pag ang bawat banat nya eh sapul ka yung tamang pa-sweet na banat at pa-simpleng huli parang ganito "ikaw ah naiinis ako sayo bakit ka ba naiinis lagi sakin siguro kasi mahal moko??" tapus ikaw naman tamang deny to death "huwaaaatttt kapal ng F mo, ako pa?! baka ikaw! sus never!!!" pero deep inside anu nga ba???

World War II:

Inis ka nga ba sakanya??? Ayaw mo nga ba sakanya??? Teka teka, bakit yung World War I eh naka relate ka??? Asus!!!! Kunwari ka pa lakas mo mag deny... Hmmm sa totoo lang 'di ko din maintindihan kung bakit ako ganyan, gusto ko ba sya o baka naman T.H. lang  ako (T.H.=tamang hinala) at tamang takot lang ako na di na ako ang pansinin nya kaya pretend lagi na naiinis kahit wala naman dapat kainisan. Naalala ko tuloy pag may kausap sya syempre ang banat "hi, hello, kamusta ka? ako nga pala si keme na taga keme mabait, pero medyo bastos" tapus ikaw naka subabay sa mga sinasabi nya pinipilit iwas ang sarili sa usapan nila ng hindi mo alam na ang dugo mo eh umaakyat na sa utak mo at ang tingin mo kulang na lang eh maging kutsilyo at sa bawat tingin mo saksak abot nya huwahahah oh oh oh mag hulos dili ka minsan di mo namamalayan talaga ang mga ganon. Sabagay nalalaman mo na lang na galit ka na sakanya kasi sa mga ganitong eksena na bigla sya mag tatanong sayo kunwari "diba Jeric mabait ako at malambing" at ikaw naman na walang ka malay malay na akala mo okay lang at kaya mo ang mga sitwasyon, babanat ng "Aba, oo, mabait yan sana nga kunin na ni lord" huwahaha sus huli ka tapus wala na away nanaman kayo bakbakan nanaman dahil mainit na ulo mo na kahit ano kilos nya na tama para sayo lagi may mali hahaha.

World War III:

Naisip mo ba na sa tuwing nandyan sya gusto mo palagi ka nya nakikita?? Nakaka-usap?? Kahit hindi tuloy tuloy basta mayat maya eh tamang banggit sya ng pangalan mo. Kinikilig ang keme mo noh?! Hahaha oo  kasi ako minsan ganon oh baka nga ako lang siguro nakakaramdam ng ganon, pero bakit nga ba ganon may idea ka ba?? Ako kasi wala basta ang alam ko, gusto ko andun ako, kasama ako sa usapan kahit singit singit lang, oh sadyang, seloso ako pero di masabi pwede bang ganon yun?? Pero parang siguro nga selos ang tawag sa mga nabanggit ko, siguro nga mahal na ang tawag dun, siguro nga takot lang ako, o, takot lang tayo na aminin na ang bawat World War na dumadaan sa relasyon na kung anu man meron kayo/tayo eh nahuhulog na pala ang loob mo sa taong ito. Kaso takot ka na ang next World War na mangyayari eh ang maging kayo at ang ending. World War 4 na break na kayo at wala na ka sunod gaya nitong World War III at wala ng na salba kahit ang pag kakaibigan nyo... Hope you like it. Provide Feedbacks for this blog post.
J

3 comments:

Unknown said...

Ewan ko Cerij.. reserve ko nlang to for future use ^_^

NaruhinaKC90 said...

Grabe!..pwede bang hangang World War III nalang? Kasi mas okay pa yong feeling na ganun kaysa masira ang closeness nyong dalawa, di bale nang mag-away sa World War III than mag-away sa World War IV kasi parang wala nang batian. HAhahahha.. Great Job!

Cirej Ingalla Cunanan said...

Thank you NaruhinaKC90 for commenting on my blog. :D Keep in touch.

Post a Comment

Please post only relevant comments and use name/url in posting.

Thank you